Quotations:

I am with you always until the end of this world (Matthew 28:20).

Preach the Word in season and out of season reproving, rebuking or advising always with patience and providing instructions (2 Timothy 4:2).

Preach the gospel at all times use words if necessary. - St. Francis of Asisi

Anything worth doing is worth doing poorly. - G. K. Chesterton

Friday, February 1, 2013

Ang aking repleksyon para sa February 3 Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 4:21-30

Mabuting Balita:
Noong panahong iyon nagsalita si Jesus sa sinagoga: "Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon." Pinuri siya ng lahat, at humanga sila sa kanyang napakahusay na pananalita. "Hindi ba ito ang anak ni Jose?" tanong nila.

 Kaya't sinabi ni Jesus, "Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito, 'Doktor, gamutin mo muna ang iyong sarili!' Marahil, sasabihin pa ninyo, 'Gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.' Tandaan ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami- dami ng mga may ketong b sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria." Nagalit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagsitayo sila at itinaboy siyang palabas papunta sa gilid ng bundok na kinakatayuan ng bayan upang ihulog siya sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.
+ + + + + + +

Ang Aking Repleksyon:
Ano po ang ating reaksyon pag may mga taong kumakalaban sa atin? Tayo ba ay nasasaktan? hinaharap po ba natin sila at nagagalit rin tayo sa kanila?

Si Jesus ay sandaling hinangaan ng kanyang mga kababayan habang siya ay nag sasalita sa sinagoga. Pero ng mag simula siyang magsabi ng hindi nila gustong pakinggan ay minaliit na nila siya at nagalit na sila na humantong sa tanka nilang patayin siya. Pero si Jesus ay lumayo lang sa kanila at tumakas na walang galit sa kanyang damdamin. Bagkus ay minahal parin niya sila at marahil pa nga ay ipinagdarasal pa niya sila habang siya ay paalis na.

Ito po si Jesus para sa atin: Mapagpakumbaba at maamo na parang tupa. Punong puno ng pag ibig at pag titiwala sa Diyos, alam ni Jesus na ilalayo siya ng Diyos sa kapahamakan. Kaya siya ay kalmado parin kahit na puno na ng tension ang kapaligiran niya.

Habang tayo po ay nag sasabuhay ng ating pananampalataya ay may mga tao rin na  sasangayon sa atin. Pero habang itinutuwid natin sila ay mag sisimula rin na hindi nila tayo magugustuhan at Iinsultuhin nila at mamaliitin nila tayo. Ganumpaman ay huwag po tayong magtanim ng galit sa kanila bagkus ay mahalin natin sila. Ipagdasal natin sila, patawarin natin sila at maging mabuti pa rin tayo sa kanila. Gayahin natin si Jesus sa dahilan na ito ang gusto niya na ating gawin.

Kaya po ba nating gawin ang ginawa ni Jesus?

1 comment:

Anonymous said...

Good evening fadz..i always read your reflections every day and i like them. could you write also your tagalog reflections every day..i need also tagalog reflections. maraming salamat n GBU